Media. Pag binanggit dito sa ating bayan, maraming nasasabi ang ating mga kababayan. May ibang sabik maka-kita ng media dahil may chansa silang makita sa TV o marinig sa Radyo. Mayroon ding takot dahil alam nilang may lihim silang naibunyag at nariyan ang media para magtanong sakanila tungkol sa mga bagay bagay.
May mga nagsasabi ding ang media ay masama. Bakit? Dahil ba ito sa iilang mga reporter na tumatanggap ng suhol kapalit ng magandang ibabalita nila tungkol sa isang Mayor na tatakbo bilang Senador sa susunod na eleksyon? Dahil ba ito sa na-sagi ng isang Reporter ang asawa ni Mikey Arroyo ng sila'y kinasuhan sa kasong Tax Evasion? Masama ba talaga ang Media? Bakit may mga pulitiko na takot sa propesyon na pinasok natin? Siga ba tayo?
Parang hindi naman. Sa katunayan, ang Media sa ating bansa ay nakaka-awa. Parang may lisensya tayo.. pero expired na. Wala ng bisa ang pagiging malaya ng pamamalita dito sa atin.
Dacer-Corbito, Maguindanao Massacre.. 2 lang yan sa daang-daang kaso ng mga brodkaster/journalist na ninakawan ng karapatang mabuhay. Bakit kailangan nilang gawin ito sa ating mga kasama sa Media? Natitiyak ko, hindi rin malayo na mangyari sa akin ang nangyari sakanila pag-dating ng panahon at kung mangyari man yun, ayos lang para sa akin. Isang karangalang mamatay ng nagawa ko ang aking tungkulin bilang isang brodkaster/journalist.
Wala na sigurong lunas ang sakit ng Pilipinas.. Sa pag-kitil sa buhay ng mga taong nagsisilbing boses at imahe para sa mga pilipino.. Umaasa parin ako na bababa at balang araw ay hihigpitan ang seguridad nga mga brodkaster/journalist.
Tayong mga Brodkaster/Journalist, may sinusunod na Media Ethics. Sana meron ding "How to Treat Media Personalities 101" para sa mga tatakbong pulitiko.
Bahala na..
"Ang lubid, itali man saking kamay ng iyong itay, magsusulat ako hanggang buhay, handang managutan ng hininga sa kulungan, di mo man lang natulungan, ako'y masama, bulung-bulungan.. Putulan man nila ako ng dila, nasa mga artikulo ko ang kulay pula ng bandila.."
No comments:
Post a Comment