Monday, March 12, 2012

Salamat Po.

Dati, akala ko pag naging broadcaster ako, D.J., o kahit anong trabaho sa media, magagawa ko na lahat ng gusto ko. Tulad ng tirahin ang bulok na sistema ng gobyerno ng bansa kung saan ko isinulat tong blog post na to. Pilipinas. 

Akala ko simple lang tong course na to, dadaldal ka, konting sulat, konting ulat, konting camera, konting ilaw, swak na. Pero hindi pala ganun ka-dali to. Kahit papano, may mga palatuntunan din palang dapat sundin. May mga bagay na dapat isipin bago gawin. Dapat pala akong pagkatiwalaan ng mga makikinig at mga magbabasa ng mga isusulat ko.

At hindi porke galit ako sa gobyerno eh pwede na lahat. Hindi porke ka-course ko rin halos lahat ng pinatay na parang mga hayup sa Maguindanao eh magpapaka-punk rock na ko at tutugisin ko yung *%^$# na may pakana ng ka-walang hiyaang yon. Hindi pala pwede lahat.

Kaya ako nag-MassComm dahil gusto ko maging malaya. Gusto ko sumulat ng mga bagay-bagay na nasa loob ng isip ko. Mga bagay na nararamdaman ko. Mga hinanakit at saloobin ng isang mamayang tulad ko.. Akala ko dati malaya ang magpahayag ng saloobin. Hindi pala. May presyo din palang dapat bayaran.

Pero siguro, kaya nilagyan ng mga palatuntunan ay para narin sa sariling kapakanan nating mga mamamahayag. Isipin mo nga naman, anong mangyayari sayo kung harapan mong duduraan at nga-ngaratan sa mga artikulo mo yung isang congressman sa Paranaque na wala ng ginawa kung di ipaskil yung mukha niya sa bawat kanto na may proyekto na siya daw ang may pakana. Kung di ba naman siya @#$%^ , pera ng mga tao yun. BUWIS yung tawag sa pera na ginamit para "ayusin" yung mga tubo na wala naman talagang problema. Ang liit-liit ng kalsada sa Sucat tapos huhukayin mo yung sementong nananahimik. Kaya nagta-trapik eh.

Pero balik tayo, talaga nga naman siguro na dapat sundin ang mga palatuntunang to. Kailangan marunong ka mag-desisyon kung ano ang i-uulat at ano ang itatago mo nalang sa sarili mo. Yan ang natutunan ko sa Media Ethics kasama si Ma'am Candice. Kailangan tayo ng taong bayan para makita at malaman nila ang katotohanan na nangyayari sa Perlas ng Silangan. Kailangan nila tayo para magbigay kaalaman, lungkot at saya sa mga buhay nila. At dahil kailangan nila tayo, gumawa ng batas na dapat sundin ang bawat Media Practitioner para nga naman hindi tayo matulad kay Bubby Dacer (R.I.P) na hanggang ngayon eh malaking tanong parin kung si Lacson ba talaga ang may pakana. 

Oo, para hindi tayo patayin ng mga (*&^% naka-upo sa pwesto. Kasi kailangan tayo ng mga Pilipino. Isipin niyo, kung wala tayo, sino ang mag-didirect ng pelikula nila Derek Ramsey at Christine Reyes na hanggang ngayon ay sobrang ganda parin kahit ilang ulit ko ulitin. Sino ang magsusulat ng nakaka-iyak na script ng pelikulang "One More Chance" na may linyang "...Sana ako nalang ulit.." :))=)) oh diba wala? bakit, kaya ba ng mga Abogado at Pulitika gumawa ng ganyang klaseng drama? uhm, oo pala. yung Donyang Maliit nga biglang nabali yung leeg tapos pinasukan ng kung ano-anong sakit nung nalaman niyang hinihintay na siya ng rehas eh. Nagtangka pang umalis ng bansa. Mala-Meteor Garden yung eksena sa NAIA nun. At siyempre badtrip ako kasi trapik nung araw na yun nung pauwi ako. 

Anyways. Sana na-gets niyo yung gusto ko i-point out dito. Maraming Salamat po Ma'am Candice sa pag-mulat sa mga mata ko na limitado parin ang kalayaan ng isang mamamahayag. Aalalahanin ko ang mga bagay na itinuro at natutunan ko sa inyo. Kasi baka maaga ako patahimikin ng mga hayup na naka-upo sa katungkulang hindi nararapat para sa kanila. 



P.S.

natutunan ko ding masama ang MANGOPYA ng mga bagay bagay sa internet. hahaha.. baka makasuhan ako. :))


"Ang lubid, itali man saking kamay ng iyong itay, MAGSUSULAT ako hangga't buhay, handang managutan ng hininga sa kulangan, di mo man lang natulungan, ako'y masama bulung-bulungan, putulan man nila ako ng dila, nasa mga artikulo ko ang kulay PULA ng bandila." 

2 comments:

  1. AYOS! Worth Reading. Dami kong bungisngis while reading it. :)

    ReplyDelete
  2. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete