Monday, March 12, 2012

Majal Quita

*Just wanna share this with everyone


Mahal kita kahit na sinungaling ang iyong ina
at magnanakaw ang ama
Kahit ilang ulit ka ng ginahasa ng kastila, amerikano o hapon, 
mahal parin kita hanggang ngayon

kahit ilan na ang ibinaon mo sa limot
hindi ko malimutan ang mga yon sapagkat sila ang dahilan kung ba't ganito
nadarama ko sayo
kahit ilang ulit kaming binabato kasama ng mga barkada ko

pigilan ka mang mahalin walang makakapigil sa pag-ibig
itaboy mo man ako ng malakas na tubig
ang lubid, itali man saking kamay ng iyong itay
magsusulat ako hangga't buhay

handang managutan ng hininga sa kulungan
di mo man lang natulungan, ako'y masama bulung-bulungan
putulan man nila ako ng dila
nasa mga tula ko ang kulay pula ng bandila

at tila di na magbabago ang takbo ng buhay ko sa piling mo
masamang ina'ng napili mo
at ang tingin pa ng iba sayo di ka masaya kaya
magpapalit nalang daw ng anyo

nabigla ka, wag ka lumagda!
humanda ka, ako'y makikibaka
mahal kita at di ko pabayaang mapunta ka sa iba
wag ka maniwala sa ina mong pabaya at ang kapal ng mukha ng iyong ama

katotohanan daw hatid sa minamanipula niyang dala
di ka pa ba nadala sa pandaraya, sayo kinita
nagparaya, di mo namalayan, yumayaman

pinapamukhang ika'y mahirap lang
at di mo pa kaya magbayad ng utang, pa-utang ina
sa kanya mo sabihin
humingi ka ng pagkain at paki-sabi na wag siyang maglihim

Mahal kita, Pilipinas.


-Syke

1 comment: